ni Ed de Leon
“GUSTO kong makilala si (?),” sabi ng isang tiktokerist na kilalang “bakla killer” na ang binabanggit ay pangalan ng isang ay actor. Delikado, dahil kilalang hustler ang tiktokerist at marami na siyang gays na “nahuthutan” na karamihan ay mga designer, rich gays at maging mga talent managers at photographers na gay.
Ang usual modus ng tiktokerist, basta sa tingin niya ay nabola na niya ang bading, lalapit iyan na may bigla siyang kailangang bayaran, at hihingi ng tulong. Kung may interest naman si bading sa
pogi, sigurado magbibigay siya, pero iyon na ang the end, unless alam niyang marami pa siyang mahuhuthot sa iyo. Delikado ang male gay star na gusto niyang makilala.