Sunday , December 22 2024
Bongbong Marcos FPJ

Botante tinabangan sa ‘di paglahok sa debate,
MARCOS MATUTULAD KAY FPJ

MAAARING matulad sa naging kapalaran ni Fernando Poe, Jr., (FPJ) na natalo sa presidential elections, ang anak ng diktador at presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dahil tinabangan ang mga botante sa hindi paglahok sa mga debate.

Nanindigan si Marcos, Jr., hindi sasali sa lahat ng nakatakdang presidential debate ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Senate president at vice presidential contender Vicente “Tito” Sotto III, posibleng may mentalidad na nangunguna naman sa survey kaya ayaw sumali sa debate kasi baka magkamali pa sa pagsagot.

Ang hindi aniya pagsasalita o paglahok ni FPJ sa presidential debates noong 2004 elections ang isa mga sanhi kaya tinabangan sa kanya ang mga botante.

Si Sotto ay naging bahagi ng campaign team ni FPJ noong 2004 presidential elections.

“It cuts both ways e. Puwedeng ang mentality siguro nila, saka ‘yung nila, e leading naman tayo baka magkamali pa, baka madapa. Merong thinking na ganoon. Meron din naman thinking ‘yung iba na sinasabi na e ganyang-ganyan si FPJ noon ‘di ba, ayaw magsalita, ‘yun ang inirereklamo sa amin noon, baka mawalan ng gana naman ‘yung iba. Ano ba ang plataporma nila?” sabi ni Sotto sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa OnePH.

Naniniwala si Sotto, hindi sapat ang pagtatalumpati sa rally para maipaliwanag sa publiko ang mga plataporma ng isang kandidato.

“Kasi ako hindi naniniwala na kapag nagsasalita ka sa rally, enough e. ‘E una di mo naman mailalahad nang maliwanag ‘yung mga programa mo roon, mga plataporma mo roon, puro motherhood statements ang bibitawan mo… Sa mga nag-iisip na mga botante, alam na walang laman ‘yung sinasabi mo. Marami naman sa kababayan hindi pinapansin ‘yung ganoon, iba ang pananaw nila. So as i said, it cuts both ways,” paliwanag ni Sotto.

Dapat aniyang gamiting gabay ng kandidato ang resulta ng survey para matukoy kung saang lugar siya mahina at hindi upang ikondisyon ang isip ng mga botante dahil ang ibang survey groups ay bayaran at dinodoktor lang ang resulta.

“Pagka-national elections, and I’ve been involved in seven national elections since 1992, ‘pag tungtong ng local elections, ‘yung last 45 days, nag-iiba ang kulay niyan. Pangalawa, ‘yung surveys puwede mong gamitin ‘yan na guide, magandang guide ‘yan, tingnan mo saan ba ko mahina, saan ako puwede lumakas, saan ako bumaba, saan ako puwede pang makakuha ng neutral na tinatawag,” aniya.

“Ang nangyayari sa iba, nagkakaroon ng mind conditioning. ‘Wag. ‘Wag. Iwasan n’yo ‘yun kasi kung minsan makakakita ka ng survey na kung saan saan lang ginawa e, dinoktor lang e. ‘Di ba may mga ganoon. Kailangan niyan ‘yung institutional surveys. And then you match it with the local surveys. Malaking bagay ‘yan… iba-iba ‘yan. For example, you’re looking at a survey of let’s say Pulse Asia, in this case you’re talking about 2,4000 respondents, nationwide but you get to see a Quezon survey of 3,000 respondents only in Quezon, so which is more reliable? Kaya ganoon, imi-mix and match mo rin doon sa local surveys na nakukuha mo, then you use it as a guide.” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …