HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI kami naniniwala na dahil lamang sa mga picture sa internet at sa inosenteng “I love you” ay kinompirma na nga nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales na sila ay mag on. Iyong “I love you” hindi ganoon ka-seryoso iyon, expression lang iyan. May isang artistang babae na sa tuwing makakausap namin sinasabihan kami ng ‘I love you.’ Seseryosohin ba namin iyon? May kaibigan din kaming lalaki na nagsasabi sa amin nang ganyan, bibigyan ba namin iyon ng ibang kahulugan? Iyang “I love you expression na lang iyan.
Iyan namang si Jeric, madalas ganyan ang publicity slant. Hindi ba nagkasama lang sila ni Sheryl Cruz sa isang serye nagkaroon na ng ganyang usapan? Nang matapos ang serye, hindi ba tapos din ang tsismis?
Kaya kung kami ang tatanungin, hindi kami basta-basta maniniwala riyan. Mukhang pakulo lang.