ni Ed de Leon
NAGSABI kaya muna ang isang male star sa kanyang gay lover na may syota na siyang babae? Lately ang daming pictures ng male star na lumalabas sa social media na kasama ang kanyang gay lover. Ang tsismis pa, madalas na nagbabakasyon pa ang gay lover sa bahay ng male star at mukhang tanggap na ng kanyang pamilya ang relasyon niya sa kanyang gay lover. Natural naman iyon dahil umaagos ang datung ng gaylover hanggang sa pamilya ng male star.
Kaya marami ang nabigla, may syota na siyang babae? Alam ba iyon ng kanyang gay lover?
May understanding naman pala ang male star at ang gay lover na hindi maiiwasan ang mga bagay na iyan, “for the sake of his career.” Nauunawaan naman daw ng gay lover, na nagsabing ok lang sa kanya ang ganyan pero kailangan nandiyan ang male star kung kailangan niya. Kung hindi putol na ang sustento pati sa kanyang pamilya. Eh hinuhulugan pa naman daw ang motorsiklong binili ng gay lover para sa male star.
Paano na ang mga panghulog sa mga installment?