Sunday , December 22 2024
Vilma Santos

Ate Vi ‘di gumagawa ng movie para magka-award

HATAWAN
ni Ed de Leon

MINSAN ipinakita ni Ate Vi (Congw Vilma Santos) sa kanyang vlog ang isang malaking kuwarto sa kanyang tahanan na maayos na nakalagay ang lahat ng mga napanalunan niyang trophies bilang isang aktres at lahat din ng award niya bilang isang public servant, at nasabi nga niyang, “kung may susunod pa kailangan ko na ng isa pang kuwarto siguro para roon.” 

Hindi mo na nga mabilang ang lahat ng awards ni Ate Vi, simula pa noong maging best child actress siya sa Trudis Liit at unang kinilalang best actress sa Dama de Noche. Hanapin mo ang acting trophies ng lahat ng award giving bodies at makikita mo roon. Ilang ulit na nga bang naka-grandslam si Ate Vi? Minsan lang siyang gumawa ng indie, naging best actress pa siya sa CineMalaya.

Hindi nga ba’t may panahon pang sinabi ng isang showbiz website na si Ate Vi ang:  “greatest Filipino actress of all time.” 

Pero naranasan ba ni Ate Vi ang maging bitter nang hindi manalo ng award?

“Honestly hindi nangyari sa akin iyan. Kasi kahit noon, never akong gumawa ng pelikula na panlaban ng awards. Ang una kong iniisip kung gumagawa ako ng pelikula ay kung magugustuhan ba iyon ng aking fans? Kikita ba iyon para hindi naman madala ang mga producer ko? Sa akin kasi ang pinaka-magandang papuri ay iyong makita mong may mga nakapila sa sinehan na palabas ang pelikula mo. Sa akin iyon ang mahalaga eh, iyong makuha mo ang public approval. Binayaran ka bilang artista eh. Binayaran ka na sa pagod mo. Kaya sa akin iyang awards, bonus iyan sa paghihirap mo.

“Nakita nila pinagsikapan mong maging mahusay, bibigyan ka nila ng bonus, iyong awards iyon. Maraming awards na unexpected. Ang isa riyan iyong kauna-unahang EDDYS. Narinig ko nominated ako, hindi ko man lang alam kung kailan iyon. Nasabay iyon sa biyahe ko sa abroad, at tapos isang gabi nakatanggap ako ng tawag na ako daw ang best actress sa unang Eddys. Ipinaliwanag sa akin kung ano iyon, na iyon palang lahat ng mga entertainment editors ng major newspapers, sila ang nagbigay ng award. Hiyang-hiya ako hindi ko alam, kaya hindi ba ipinaabot ko agad ang apology ko na wala ako noon. Unexpected eh. Kasi nga wala naman akong ginawang pelikula na ang intention manalo ng award. Mga fan lang ang nagsasabing, pang-award iyan,” sabi ni Ate Vi.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …