MATABIL
ni John Fontanilla
ENGRANDE at pabolosa ang grand media launch ng all Pinay girl group na Calista na ginanap kamakailan sa Novotel sa Quezon City, hosted by DJ Jhaiho.
Ang Calista ay binubuo nina Anne Tenorio, Olive May, Denise Pello, Dain Leones, Laiza Comia and Elle Pascual. Naging espesyal na panauhin ng grupo sa kanilang launching sina Billy Crawford at Niana Guerero na nakipagsabayan sila ng sayawan at kantahan.
Hopeful ang grupo na maka-penetrate at sumikat sa international scene at kitang-kita ang dedikasyon at determinasyon ng grupo sa husay sumayaw at kumanta.
Potential hit ang carier single nilang Race Carmula sa komposisyon ni Marcus Davis.
At kahit baguhan, tumanggap ang Calitsta ng Dangal ng Lahi Awards bilang Most Promising Female Group Of The Year 2021.
Sa April 26, 2022. magkakaroon ng concert ang Calista entitled Vax to Normal sa The Smart Araneta Coliseum. Magiging espesyal na panauhin nila sina AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Darren Espanto, at Ken San Jose. Produced by Merlion Events Production Inc. and directed by Nico Faustino, habang si Soc Mina naman ang musical director at si Nesh Janiola ang choreographer. Ang Calista ayalaga ng TEAM niTyrone James Escalante.