HATAWAN
ni Ed de Leon
MALIWANAG na ang binitiwang salita ni Kylie Padilla, na kung kayo ay nag-split na ng iyong ex, at nagkaliwanagan na kayo sa lahat ng bagay, ibig sabihin nagkaroon na kayo ng closure, wala nang balikan iyon.
Ibig sabihin, wala na ring maaasahan pa ang mga nagsasabing kung liligawan lamang muli ni Aljur Abrenica ang kanyang asawa, dahil may dalawang anak din naman sila, maaari silang magkasundo pa. Ngayon tinuldukan na iyon ni Kylie at sinabing wala na ngang posibilidad.
Nang tanungin si Kylie kung may manliligaw na ba siyang iba ngayon, sinabi niyang wala pa.
Maliwanag din namang statement iyan, na ibig sabihin posible na dumating ang isang araw na tumanggap siyang muli ng ibang manliligaw, lalo na’t kung maipa-annul na niya ang naging kasal nila ni Aljur.
Iyan na ang katapusan.