Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Guevarra Sharon Cuneta

Gladys nadesmaya kay Sharon — malinaw pa sa mineral water ang tunay mong ugali

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG tindi naman ng ibinato ni Gladys Guevarra kay Sharon Cuneta nang sabihin niyang “ngayon malinaw pa sa mineral water na nakikita ang tunay mong ugali. Napakasakit niyon, lalo na nga’t nagmula sa isang kapwa mo artista, pero hindi namin masisi si Gladys, nabigla rin siya at nadesmaya dahil inamin naman niya na dati ay napakataas ng respeto at paghanga niya kay Sharon, tapos nga may nakita siyang isang napaka-aroganteng statement niyon at sa social media pa.

Marami namang mga artistang ganyan, na napakabait ng image at laging pinupuri ng kanilang mga kasama, pero noong minsang mapanood namin sa taping, grabe kung magsalita at halos murahin na ang mga crew ng kanilang serye. Pero hindi lumalabas iyon.

Si Sharon naman kasi, siya mismo ang nag-post ng kanyang aroganteng statement at kahit na dinelete na niya iyon matapos na matabunan ng katakot-takot na bashers, hindi pa rin basta mabubura iyon dahil may mga website na nakapag-screenshot niyon at nag-repost. Kaya kahit inalis na ni Sharon, naroroon pa rin.

Iyon namang comment ni Gladys masyadong blown up dahil artista nga rin siya. Ang daming mas masama ang mga sinasabi na hindi napansin at nabura na rin nang i-delete ni Sharon ang kanyang original post.

Gusto naming isipin na nasabi lang naman din iyon ni Sharon dahil nabigla siyang kinanta ang isang sumikat niyang kanta, na theme song din ng isa sa kanyang hits na pelikula. Pero kung nasabi iyan ni Sharon noong kasagsagan ng kanyang popularidad, palagay namin baliktad ang reaksiyon ng publiko, tiyak na lahat sila kakampi kay Sharon. Sikat siya eh.

Ngayong medyo bumaba na nga ang popularidad ni Sharon, kumokontra na sila dahil at least hindi na sila mabubugbog sa bashing ng fans noon.

 Iyan ang sinasabi nilang “think before you click.”  Dahil basta may binitiwan kayong salita sa social media, binuksan na  ninyo iyon sa publiko at may karapatan na ang kahit na sino na magbigay ng comment pabor man o laban sa inyo. Sa kaso ni Sharon, nag-boomerang ang statement niya sa kanya mismo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Zsa Zsa ibabalik Lifetime Achievement Award ng Aliw 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANLIIT si Zsa Zsa Padilla pagkatapos hindi mabigyang pagkakataong makapag-speech matapos …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …