Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Alejo

Elijah Alejo top student kahit abala sa career

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA ang Kapuso teen actress na si Elijah Alejo sa mataas na ratings na nakukuha ng kanilang teleseryeng PrimaDonnas Book 2 na isa siya sa bida kasama sina Jillian Wards, Sofia Pablo, Althea Ablan, Katrina Halili, James Blanco, Wendel Ramos, at Sheryl Cruz.

At kahit balik-kontrabida ang kanyang role, aprubado ito kay Elijah lalo na kapag may mga nanonood na naiinis sa kanya na ang ibig sabihin ay effective ang kanyang acting.

Balik kontrabida po ako sa book 2 ng ‘Primadonnas,’ pero okey lang sa akin lalo na ‘pag may nagagalit o naiinis sa akin kapag napapanood nila ang kamalditahan ko sa show, dahil ibig sabihin lang effective ‘yung acting ko,” ani Elijah. 

Mas nag eenjoy na  itong maging kontrabida dahil very challenging sa kanya at mag- isa lang siya sa kaedaran niya na ginu-groom ng GMA para maging mahusay na kontrabida.

For me po kasi, napaka-challenging ng pagiging kontrabida lalo na’t ‘yung mga role na ginagampanan ko dati ay ako ‘yung inaapi,” sambit pa ng dalagita.

At kahit abala ito sa kanyang career, hindi pinababayaan ni Elijah ang kanyang pag- aaral. Katunayan, with honors ito sa Manila Central University na nasa grade 11 na.

“Love ko po talaga ang pag-aaral kaya kahit pagod na sa taping pagdating sa pag- aaral nawawala ‘yung pagod ko.

“And ‘yun na rin naman ‘yung usapan namin ng parents ko na papayagan nila ako mag-artista pero kailangan  kong pagsabayin ang pag-arte at pag-aaral,” pagtatapos ni Elijah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …