I-FLEX
ni Jun Nardo
UMAASA rin si Ai Ai de las Alas na gumaling sa kanyang sakit si Kris Aquino.
“I hope gumaling na siya. God less her.” Ito ang naging sagot ni Ai Ai nang tanungin siya ng isang netizen sa Instagram kung ano ang opinyon niya sa dinaranas na sakit ni Kris at patungo sa ibang bansa para magpatingin.
Hindi na nabalik ang friendship nina Ai Ai at Kris nang masira ito dahil sa umano’y hindi pagbisita sa wake ng ina ni Ai Ai.
Eh nang magkita sila sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes last 2014, nagkaayos man sila, hindi na naibalik ang dati nilang pagkakaibigan.
Ilang movies din ang pinagsamahan nina Kris at Ai Ai bago nasira ang friendship.