I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGSALITA na ang beauty queen actress na si Kelly Day sa tsismis na siya ang rason ng hiwalayan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Buong ningning na “Never!” ang sagot ni Kelly kay Boobay sa tanong kung nagkaroon sila ng relasyon ni Tom.
Nagkasama sa Kapuso series na The World Between Us sina Tom at Kelly. Close man sila pero walang relasyong naganap sa kanila, huh!
Para namang wala nang bearing ang pagsagot ni Kelly sa isyu dahil napunta na kay Tom ang isyu tungkol sa investment scam ayon sa reports.