Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Geneva Cruz Phil Air Force

Geneva certified member na ng Phil Air Force

HATAWAN
ni Ed de Leon

PATI si Geneva Cruz ay nagsanay pala at matapos maka-graduate ay kabilang na ngayon sa reserved force ng Philippine Air Force bilang isang sarhento. Napansin lang naming simula pa noong nakaraang dalawang taon, napakaraming mga artista natin ang nagsasanay at tapos ay nagpapa-draft sa reserved forces ng Armen Forces of the Philippines, at dahil mga artista sila ay nakatutulong sa publisidad, aba eh lahat yata sila may ranggo agad nang makapasok. At sinasabi ngang ang training nila ay hindi rin naman kasing tindi niyong sa mga tunay na sundalo. Hindi mo talaga masasabing matapos lamang ang tatlo o kahit na anim na buwan pang pagsasanay magiging handa na sila sa labanan.

Palagay namin kung iyang mga reserved force na iyan ang bibigyan ng assignment, doon iyan ilalagay sa non-combat operations ng military. Kung may mga civic action siguro roon mo naman sila pakikinabangan. Basta may picture taking, tiyak sila ang ibabandera riyan. Pero sa totoo lang mahalaga iyan. Una kung ang mga artista ay boluntaryong pumapasok sa military, mahihikayat ang marami pang ibang mga kabataan na sumailalim din sa training, at kailangan nga dahil dito sa ating bansa ay inalis na, at mahigpit ang pagtutol sa mandatory ROTC dahil sa dagdag na gastos ng mag-aaral at ang hindi mapigil na hazing.  Kahit nga sa PMA may namamatay dahil sa hazing eh.

Maganda rin naman iyan, dahil sa lagay ng mundo ngayon, hindi mo masasabi kung kailan ka maaapektuhan ng giyera. Kung magkakaroon ng giyera, hindi na kagaya noong World War II na ang labanan ay street fighting. Sa panahong ito bombahan na ang laban. Tingnan nga ninyo iyong nangyari sa Marawi, hindi pa talagang giyera iyon. Maute group lang ang kalaban, pero napulbos sa bomba ang lunsod. Kung totoong giyera pa iyan, mas masahol na riyan.

Naalala tuloy namin ang sikat na Ukrainian actor-singer na si Pasha Lee. Bigla siyang gumawa ng live video na inilabas niya sa social media. Nagpaalam siya na iiwanan muna niya ang showbiz career dahil sasama siya sa pagtatanggol sa kanilang bansang Ukraine.

Sumali nga siya sa Terrotorial Defense Force ng armed forces. Nakipaglaban siya para sa kanilang bansang sinasakop ng Russia, hanggang sa namatay siya nang bombahin ng Russia ang Irpin. Nagluksa ang buong Ukraine nang siya ay mamatay, pero talagang ganoon sumama siya sa militar eh panahon pa naman ng giyera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …