Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ariel Lim

Ariel Lim ‘di korap, adbokasiya ang makatulong

ni JOHN FONTANILLA

HUMARAP sa entetainment press ang kapatid ng Pinay Japan Superstar na si Marlene Dela Peña na tumatakbong Senator ngayong darating na 2022 Local Election at dating driver na si Ariel Lim.

Kuwento ni Lim, 100% ang suporta ni Marlene sa kanya. Isa lang ang paalala nito sa kanya sakaling maluklok na senador, ‘wag mangurakot.

Mula sa mahirap na pamilya si Lim at hindi niya ikinahihiya na minsan sa buhay niya ay  naging driver siya, kaya naman suportado siya ng mga tricycle driver sa buong Pilipinas. At dahil sa kanyang pagsusumikap ay gumanda ang kanyang buhay at ngayon nga ay tumatakbong senador ng bansa.

Tumakbo sa pagka-senador si Lim dahil sa nakikitang sandamakmak na problema na kinakaharap ng bansa. Nais niyang makatulong sa abot ng kanyang makakaya.

Aminado rin ang senatorial bet na malaking challenge sa kanya ang pagtakbo bilang independent candidate, lalo’t wala itong masyadong makinarya tulad ng mga sikat at datihan ng mga tumatakbong senador.  Pero marami naman ang sumuporta sa kanya katulad ng reigning Mrs Universe Philippines Australia, LGBTQ, Samahan ng mga tricycle drivers sa buong Pilipinas, Filipino Community sa Australia at marami pang iba.

Naniniwala ito na hindi dahil sa sikat o sa makinarya kaya iboboto ng tao, kung hindi  dahil alam nilang may magagawa para sa magandang pagbabago ng bansa at handang maglingkod ng buong puso.

Napakaganda ng adbokasiya ni Sir Ariel para sa mga driver, commuters, at sa sambayanang Filipino kung papalarin siyang manalo bilang senador.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …