Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Defensor Kuya Germs Walk of Fame

Walk of Fame ni Kuya Germs palalawigin pa ni Defensor

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGKASABAY na nakatsikahan ng ilang entertainment press ang tumatakbong Mayor  ng Quezon City na si Partylist Rep. Mike Defensor at Congresswoman ng District  2  ng Quezon City at dating aktress na si Precious Hipolito- Castillo.

Ibinahagi ni Cong. Mike ang malaking pagbabago sa Quezon City kapag siya ang nahalal na mayor sa darating na May 9 Local election. At isa na rito ang paggawa ng Quezon City bilang Entertainment Capital of the Philippines.

Itutuloy nito ang matagal nang iminumungkahi ng nasirang Mastershowman Kuya  German Moreno na maging City of Stars ang Quezon City at magkaroon dito ng Museum at Walk of Fame katulad ng nasa Eastwood.

Ilan pa sa mga proyekto sa Quezon City na gagawin ni Cong. Mike ay ang pagpapa-ilaw sa mga madidilim na major and inner streets, benepisyo sa mga senior citizens, at sa mga mag-aaral atbp..

Sinabi naman ni Cong. Precious na napakaraming magagandang proyekto sa Quezon City ang gustong gawin ni Cong. Mike na talaga namang malaking tulong sa mamamayan ng QC kapag nanalo itong mayor. Bukod pa sa likas ang pagiging matulungin ni Defensor sa tao, mabait, at napakasipag pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …