MATABIL
ni John Fontanilla
MULA Top 100, napili na kamakailan sa Robinson’s Novaliches Trade Hall ang pasok sa Top 60 ng Search for The Next Ambassadors ng Ortiz Skin Clinic na pag-aari nina Dr Paul Ed at Dr. Jennifer Ortiz .
Naging hurado sa pagpili ang mga ambassador ng Ortiz Skin Clinic na sina Klinton Start, Janna Chu Chu ng Baranggay LSFM/DZBB, at Joel (marketing of Ortiz Skin Clinic).
Ang Top 60 ay naglaban- laban muli noong March 6 para pumasok sa Top 40. At dito pipiliin ang apat na lalaki at apat na babae na magiging newest ambassadors ng Ortiz Skin Clinic na magkakamit ng cash, plaque, gift certificate, at makakasama sa billboard ng Ortiz Skin Clinic. Gaganapin ito sa March 12 sa Robinson’s Novaliches Trade Hall.
Ang mapipiling walong modelo ay makakasama na ng mga celebrity ambassadors na sina Abby Viduya, Cloe Barreto, Klinton Start, John Fontanilla aka DJ Janna Chu Chu, Ayen Castillo (CEO/ President Aspire Magazine Philippines and Global), Jomari Yllana, at Renee Salud.
Ang Ortiz Skin Clinic Search for the Next Ambassadors ay hatid ng House of Mode Elle sa pangunguna ng CEO nilang si Lian Gonzales, Lyn De Leon (COO), Mike Stephen Uy (VP), Zandra Fontera (President), Ayen Ching at nina Dr. Paul Ed and Dr. Jennifer.