Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward

Jillian bye-bye na sa teenage roles

RATED R
ni Rommel Gonzales

BLOOMING at mala-diyosa sa kanyang 17 kaarawan, inihayag ni Jillian Ward na handa na siyang tumanggap ng mas seryosong teenage roles.

Mas may lalim na po ‘yung trabahong ginagawa ko sa roles ko, mas nabibigyan ng lalim. And mas may understanding na rin talaga kasi mahilig akong mag-research, mahilig akong magbasa,” pahayag ni Jillian.

Gumaganap si Jillian bilang si Mayi sa Book 2 ng Prima Donnas.

Sa kanyang Instagram, makikita ang ilang larawan sa mini photo shoot para sa kanyang 17th birthday.

Ayon kay Jillian, gusto niyang sulitin ang special moment bago siya maging ganap nang dalaga sa edad 18 sa susunod na taon.

Magsisilbi na rin itong paalala na dalaga na ang Trudis Liit noon.

Naging mas memorable pa ang kanyang ika-17 kaarawan dahil sa fans na nagpadala ng pagkain at mga regalo.

Trending din sa Twitter ang #JillianDay, at may pa-surprise greeting pa sa electronic billboard sa EDSA na binansagan siyang GMA Teen Queen.

Nag-trend din ang mermaid photo ni Jillian na kuha ng kanyang ina.

Gusto ko po talaga i-try na mag-mermaid, ‘yung mga fantasy show, movies,” anang Kapuso teen star.

Goal ni Jillian ngayong taon na ilaan ang mga pinagpaguran sa investment sa properties at negosyo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …