ni Ed de Leon
HINDI simple ang tinatahak na landas ng isang internet sensation at newcomer sa telebisyon ngayon. Natural itatanggi niya pero paano nga ba maikakaila eh marami ang nakaaalam na marami siyang nakilala at mga bading na kailangang patulan along the way.
Kung sa bagay sinasabi namang sanay din naman siya sa pagpatol sa mga bading dahil kahit na noong bata pa siya, isa na siyang “bading killer.” Pero may tsismis din namang deep inside “siya ay bading din.” In fact may panahong naglalasing siya dahil sinasabing “nag-split sila ng kanyang boyfriend.”
Pero marami siyang nabobola eh. Pogi naman kasi. Kaya nga sinasabing mabiling- mabili rin naman siya sa iniistambayan niyang watering hole na roon siya napi-pick up ng mga bading. Mukhang siya na ang kinikilalang “king of car riders” doon dahil wala nga ang dating sikat na matinee idol na paboritong isakay ng mga bading sa kanilang kotse ”for a fee”.
Ang buhay nga naman sa panahon ng pandemya.