Monday , December 23 2024
Aga Muhlach net 25

Aga Muhlach happy sa Net 25, bagong show ang Bida Kayo Kay Aga

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

THANKFUL si Aga Muhlach dahil naibibigay ng Net 25 ang klase ng show na gusto niya. Ito ang ipinahayag ng aktor sa ginanap na zoom mediacon para sa nasabing TV show.

Ang bagong show ni Aga sa Net 25 ay ang Bida Kayo Kay Aga, na mapapanood tuwing Sabado, 7pm, simula sa March 26. Isa itong do-good, feel-good reality show.

Pahayag ni Aga, “I’m happy that I’m part of Net 25 now, doing shows that I really want to do and I’m grateful that Net 25 gave me the chance to do these shows na gusto kong gawin. Hindi yung because you’re being paid and you do it, parang ganoon.”

Nabanggit pa ni Aga na nang nag-offer sa kanya ng game show at ngayon itong Bida Kayo Kay Aga ang nasabing TV network, hindi na siya nagdalawang-isip dahil ang mga ganitong shows daw ang gusto niya talagang gawin.

Esplika ng actor. “The other networks may offer sa aking shows but puro soap, drama series… Kaya noong nag-offer sa akin ang Net 25 ng game show at ngayon nga itong Bida Kayo Kay Aga, hindi ako nagdalawang-isip. Kasi yung mga ganitong shows ang gusto kong gawin talaga.

“Gusto kong mag-reach out sa mga tao, sa mga masa. Gusto ko yung may interaction sa mga tao. At dito sa Bida Kayo Kay Aga, hindi ako ang bida, kayo ang bida sa amin. Itong programang ito para sa inyo ito. Thankful ako sa Net 25 for allowing me to do this show.”

Anyway, sa show na ito, kilalanin ang mga OOHD o Out-of-Home-Daddies na bagaman abala sa pagpo-provide para sa kanilang pamilya ay nabibigyan pa rin ng panahon ang pagiging adventurous at sporty sa pamamagitan ng biking, surfing, hiking at iba pa. 

Nariyan din ang mga Daddy D-I-Y o ang mga tatay na maaasahan pagdating sa mga kailangang ayusin sa loob ng bahay. Kaya nilang maging karpintero, tubero at pintor, maisaayos at mapaganda lang ang tahanan ng pamilya. 

Ibibida rin sa programa ang mga Daddy Foodie o ang mga dad na mahilig at masarap magluto. Araw-araw nilang napapaibig ang kanilang misis sa kanilang recipes at talaga namang busog ang mga anak dahil sa nakakatakam na lutuin.  

Alamin ang mga libangan at kinahihiligan ng mga tatay sa panahon ngayon sa segment na DAD’s Entertainment. Marami ang makaka-relate sa mga plantito, collector ng pop culture items, pagtugtog ng musical instruments, at iba pa. 

Mapapanood din ang Digital Dads o “dadfluencers” na name-maintain ang  kanilang nakakaaliw na mga post sa kanilang social media account. 

Makikilala rin ang mga BIDA BOSS o ang mga nagsimula sa isang mahirap na kalagayan, patungo sa kinalalagyan nila ngayon, kung saan may sarili na silang negosyo at patuloy pang lumalago. 

Tiyak na hahanga rin ang mga Pinoy sa mga BIDA SA LIFE o ang mga taong mula sa wala, ay nagkaroon ng oportunidad para mabago ang kanilang buhay, tungo sa kanilang tagumpay na tinatamasa ngayon. 

BIDA BEST naman ang magtatampok sa mga ika nga ay “random acts of kindness,” o ang mga taong nakahandang tumulong at magmalasakit nang walang hinihinging kapalit. Sila ang mga mabubuting halimbawa na dapat tularan tungo sa pagkakaroon ng isang lipunang may pagmamahal sa kapwa. 

Ang hindi alam ng mga ibibida sa programang ito ay makakasama at makakausap nila si Aga, na saludo sa mga kahanga-hangang Filipino.

Saad ng actor, “Kayo ang hero talaga, saludo ako sa inyo. Gusto ko silang makausap, sa hirap na dinadaanan mo sa buhay, ano ang nasa puso mo para tumulong pa rin sa tao?” 

Mapapanood ang Bida Kayo Kay Aga sa Net25 TV, Net25 Facebook page, at Youtube channel. 

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …