Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bida Kayo Kay Aga Muhlach

Aga bibida sa mga tunay na bida!

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI matatawaran  ang labis-labis na kasiyahan ni Aga Muhlach sa bago niyang programa sa Net 25 ang Bida Kayo Kay Aga na mapanood na sa March 26, Sabado, 7:00 p.m..

Ang very inspiring show na ito ay ibibida ang mga ordinaryong tao na nakapagbibigay saya at ligaya sa mga nakapaligid sa kanila.

Ang mga ganitong klaseng program ang matagal nang gusto ni Aga dahil magkakaroon siya ng pagkakataong makita at makausap ng face to face ang mga ordinaryong tao.

Ayon nga kay Aga sa  zoom mediacon nito kamakailan, “I think ang nagsasabing bida ka, dapat hindi ang sarili mo.

“Hindi ikaw, kung hindi ibang  tao ang magsasabi kung ikaw ay kabida-bidahan.

“Katulad ng show ko na ito, marami nga ang bida-bidahan. Pero para sa akin naman ang bida kasi is ‘yung mga simpleng tao na gumagawa ng kabutihan na walang announcements, hindi ipinakikita.

“Maraming kuwento ito para sa lahat din. Ito ‘yung mga taong tahimik, hindi sila vloggers, they don’t make money out of it. There’s nothing wrong with that again.”

Pero ayon kay Aga, ang hinahanap nila sa Bida Ka Kay Aga ay ang mga taong gumagawa ng kabutiham sa kanyang kapwa, maliit o malaking bagay na hindi naghihintay ng kapalit.

“Pero ang hinahanap namin, ‘yung mga taong gumagawa ng actual kindness na hindi nila alam nakukunan sila, nabi-video sila, nailalabas sila, they go viral.”

Dagdag pa nito,  “It’s a feel-good thing. Maraming tao ang naghihirap sa mundong ito, marami tayong paghihirap. 

“Pero tayong mga Filipino, at karamihan sa atin, kahit sa kalugmok-lugmok na pinagdaraanan natin, kapag may humingi ng tulong sa atin, kahit kaunti magbibigay pa rin tayo.

“’Di lang pinansiyal kundi kahit sa oras at panahon, mga ganoong bagay. Ito ‘yung mga tao na nakatutuwa. 

“Pero para sa akin, bilib ako sa inyo. Kayo ang hero talaga, saludo ako sa inyo.

“At sa hirap na pinagdaraanan natin sa buhay, ano ang nasa puso mo para gusto mo pa ring tumulong sa tao?”

Excited na nga si Aga sa pagpapalabas ng kanyang bagong program na ayon dito ay magbibigay-saya, aliw, at inspirasyon sa lahat ng manonood. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …