MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA at okey lang si Janine Gutierrez sakaling magkakaroon na ng bagong pag-ibig ang kanyang ex- boyfriend na si Rayver Cruz.
Naging masalimuot at unti-unting nagkalabuan sina Janine at Rayver nang mangibang bakod si Janine at mapunta sa ABS-CBN samantalang naiwan naman bilang Kapuso si Rayver. Hangang mapabalita na ngang ang dating matamis na pagmamahalan ng dalawa ay nauwi sa hiwalayan.
Ayon kay Janine sa isang interview, “Whatever makes him happy, I just want him happy always talaga, I’m always gonna care about him.”
Dagdag pa nito, “I always wish him the best and I’m always rooting for him talaga.”
Sa ngayon, masaya naman si Janine sa kanyang trabaho at enjoy din siya sa company ng kanyang leading man sa Marry Me, Marry You na si Paulo Avelino na napapabalitang special someone raw ngayon ni Janine.
“We super get along with each other. We’ll see what will happen. Siya na lang tanungin ninyo, but I really enjoy spending time with him and talking to him,” ani Janine.