Friday , November 15 2024

Sa tangkang pagpatay
‘TRATONG MARITES’ NG PTFOMS VS TRIBUNE CORRESPONDENT, INALMAHAN NG NUJP

UMALMA ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa tila pagbabalewala ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa tangkang pamamaril sa isang Baguio-based correspondent at pagbansag na ‘Marites’ sa mga naalarma sa insidente.

Nagpahayag ng pakikiisa ang NUJP sa Baguio-Benguet chapter, Baguio Correspondents and Broadcasters Club Inc., at Kordilyera Media-Citizen Council sa panawagan ng masusing imbestigasyon sa tangkang pamamaril kay Daily Tribune correspondent Aldwin Quitasol noong 1 Marso 2022.

Bagama’t ikinatuwa ng NUJP ang mabilis na aksiyon ng Baguio police para siyasatin ang insidente, pinuna ng grupo na habang umuusad ang imbestigasyon ay may teorya agad ang PTFoMS na isinasantabi ang mga pagbabanta sa mga mamamahayag na minarkahang maka-kaliwa o ni-red-tagged gaya ni Quitasol.

“While we welcome quick action by Baguio police to investigate the incident, we also note that even as the probe continues, the Presidential Task Force on Media Security already has a theory downplaying the kind of threats faced by journalists who have been red-tagged like Quitasol has been,” anang NUJP sa isang kalatas.

Sarkastikong pinasalamatan ng NUJP ang pagdududa ng PTFoMS sa sinabi ni Quitasol na may nagtangkang bumaril sa kanya gayondin sa pagtawag na “Marites” sa mga nabahala sa pag-atake sa mamamahayag.

“We thank the PTFoMS for giving Quitasol the ‘benefit of the doubt’ that someone actually tried to shoot him and for branding those alarmed at the attack as mere ‘Marites’ spreading gossip.”

Ang paggiit aniya ng task force na karamihan sa mga pag-atake sa mga mamamahayag ay walang kaugnayan sa kanilang trabaho ay nagmumungkahi na ang mga panganib na kinakaharap ng mga journalist ay sila ang nagkakategorya ng kahulugan.

“Along with the insistence that most attacks against journalists are not really ‘work related,’ statements like these suggest that the risks that journalists face are being defined and categorized away,” pahayag ng NUJP.

Nagpapasalamat ang NUJP sa pagtatalaga ng mga pulis bilang ‘media security vanguards’ pero umaasa na ang isinusuplong na banta at pag-atake sa mga mamamahayag ay hindi makatatanggap ng trato gaya nang ginawa ng PTFoMS kay Quitasol.

“We appreciate the designation of police officers as “media security vanguards” but hope that other journalists reporting threats and attacks against them will not get the same treatment that PTFoMS has shown our colleague,” wika ng NUJP.

Ang dating mamamahayag na si Joel Egco ang pinuno ng PTFoMS at nagsisilbing isa sa mga tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …