Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kokoy de Santos

Pagbo-bold ni Kokoy matatakpan ng galing umarte

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAPANOOD namin sa isang television drama iyong si Kokoy de Santos. Simple lang ang role pero mahusay siyang gumanap bilang artista. Sayang dahil nakilala nga siya, masyado namang bold ang una niyang nasabakang lead role. 

Kung sa bagay siguro nga unti-unti ay matatakpan na iyan dahil nabibigyan siya ng mga wholesome role ngayon sa GMA7. Kung hanggang kailan bago makalimutan ng mga tao ang isang mahalay na eksenang kinasangkutan niya sa isang pelikula, iyon ang hindi natin alam. Kasi iyong bahaging iyon na medyo mahalay ang siya pang paulit-ulit na isine-share ng fans ng ganoong pelikula sa social media. Hanggang ngayon pinagpipistahan pa ng mga bading ang eksenang iyon.

Kailangang mas magsikap pa si Kokoy para makabawi dahil kung hindi matakpan ang simula niya sa bold movie na iyon, hindi namin alam kung ano nga ang kahahantungan ng kanyang career. May mga nakabawi naman sa ganyan kagaya ni Coco Martin na marami ring nagawang

mahalay na pelikula noong araw, pero hindi lang suwerte ang dahilan, pinagsikapan nang husto ni Coco para siya makabawi.

Sana makabawi rin si Kokoy dahil mahusay siyang artista eh, sayang naman kung dahil sa mga nagawa niyang gay movies ay hindiVna siya maka-angat. Kung sabagay, ang mga iyon naman ay napanood sa internet lamang. Hindi naman iyon nailabas sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …