Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis Cristy Fermin

Manay Lolit inaming maghihhiwalay na sila ni Tita Cristy

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

INAMIN mismo ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post na maghihiwalay na sila ni Cristy Fermin at hindi na sila magsasama sa online showbiz-oriented talk show na Take It Per Minute, Me Ganu’n, na kasama rin nila as co-host si Mr. Fu.

Pero nilinaw ni Manay Lolit na nananatili silang magkakaibigan nina Nay Cristy at Mr. Fu kahit pa may kanya-kanyang landas o journey na silang tatahakin.

Ayon sa IG post ni Manay Lolit, “Parting is such a sweet sorrow talaga. Hindi ko maisip na after 3 years na parang bahay ko na ang Obra ni Nanay Gallery every tuesday ng 12/1 ng hapon bigla ay mahihinto iyon. Ang nakasanayan ko ng sila Richie, PJ, Japs Gersin at Tina Roa bigla hindi ko na makikita. Iyon alam na alam mo na ang bawat sulok ng Obra ni Nanay tapos hindi mo na ito pupuntahan pag Tuesday. May suntok sa dibdib talaga. Pero it was a very beautiful 3 years na nakatanim na sa memory file ng utak at puso mo. At mas maganda nga na iyon masasayang alaala ng 3 taon ang lagi sa puso mo, at naghiwalay kayong lahat ng best of friends.

“May kanya kanya din kasing journey sa buhay na sinusunod kahit best of friends, like mas masaya siya duon, at masaya na ako dito, pero friends parin kayo. Siguro nga naging daan lang ang digital show namin na Take it… para mas tumibay friendship namin nila Cristy at Mr. Fu. After 3 years very close na kami, hah hah hah.

“Now meron na kami mga bagong journey na naman, na sana tulad ng pagtangkilik ninyo sa Take it, mahalin din ninyo at laging sundan. Pupunta sa mas masayang lugar si Cristy, sasamahan ko si Mr. Fu , makikita nyo parin kami.

“Basta lahat kami watch ninyo, kayo na bahala. Sana lahat tayo laging happy at safe, promise ninyo, follow nyo rin kami ha.”

Samantala, nagpahayag din ng kanyang saloobin si Mr. Fu sa kanyang Facebook page.

medyo naalog ang samahan naming tatlo. magbago bago man ang mundo, basta mahal ko itong dalawang nanay nanayan ko. love you nay @akosilolitsolis at nay cristy. walang halong kaeklayan. di produkto ng hype. haaaaaaay mga nay!!!!!” ani Mr. Fu sa kanyang FB post.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …