ni Ed de Leon
KAWAWA minsan ang mga artistang pumapasok sa politika.
Kukunin silang kakampi ng ibang politiko para pakinabangan lang sa kampanya, at kung lumabas na hindi sila makakabatak ng tao iju-junk din naman siya ng inaakala niyang kakampi.
Noong isang araw, ay narinig namin mismo ang isang kandidato, na namigay pa ng bigas at vitamin C, tapos ay nagsabi sa mga kaharap niyang lider na ok lang daw sa kanya kung hindi man iboto ang katiket niyang artista, basta siya ang iboboto at ikakampanya ng mga iyon.
Maliwanag na junking hindi ba?