Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bida Kayo Kay Aga Muhlach

Aga ibinahagi ang kanyang best bida moment

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NATANONG namin si Aga Muhlach sa virtual mediacon ng bago niyang show sa NET 25, ang Bida Kayo Kay Aga, kung ano ang maituturing niyang best bida moment sa kanyang buhay sa kabila ng tinatamasa niyang success sa career for so many years.

Sandaling nag-isip si Aga at saka niya sinagot ang aming tanong, “Alam mo ngayon ko lang pag-uusapan ito. Nahihiya kasi akong magkuwento dahil hindi ko naman kailangang ipangalandakan. Pero ‘yung best bida moment ko na masasabi ay ‘yung marami akong napasaya at natulungang mga tao. Mayroon na rin akong mga napagtapos ng pag-aaral. Walang tatalo sa ligayang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ‘yung pasasalamat nila. Tapos sasabihin, ‘hindi ka namin makakalimutan.’ Yun talaga ang bida sa puso ko. Ang sarap tumulong.”

Samantala, ibang tao naman na sinasaluduhan at hinahangaan ni Aga ang bibida sa bagong show na iho-host niya sa NET 25, ang Bida Kayo Kay Aga, isang feel-good reality show, na ipalalabas na sa March 26, Sabado, 7:00 p.m.. 

Bibida sa show ang mga daddy na katulad ni Aga ay achiever din sa life sa pinasok nilang larangan. Kilalanin ang mga OOHD o Out-of-Home-Daddies na bagaman abala sa pagpo-provide para sa kanilang pamilya ay nabibigyan pa rin ng panahon ang pagiging adventurous at sporty sa pamamagitan ng biking, surfing, hiking at iba pa.

Nariyan din ang mga Daddy D-I-Y o ang mga tatay na maaasahan pagdating sa mga kailangang ayusin sa loob ng bahay. Ibibida rin sa programa ang mga Daddy Foodie o ang mga dad na mahilig at masarap magluto. 

Alamin ang mga libangan at kinahihiligan ng mga tatay sa panahon ngayon sa segment na DAD’s Entertainment. Marami ang makare-relate sa mga plantito, collector ng pop culture items, pagtugtog ng musical instruments at iba pa. Mapapanood din ang Digital Dads o “dadfluencers” na name-maintain ang kanilang nakaaaliw na mga post sa kanilang social media account.

Makikilala naman ang mga BIDA BOSS o ang mga nagsimula sa isang mahirap na kalagayan, patungo sa kinalalagyan nila ngayon, na may sarili na silang negosyo at patuloy pang lumalago.

Tiyak na hahanga rin ang mga Pinoy sa mga BIDA SA LIFE o ang mga taong mula sa wala, ay nagkaroon ng oportunidad para mabago ang kanilang buhay, tungo sa kanilang tagumpay na tinatamasa ngayon. BIDA BEST naman ang magtatampok sa mga ‘ika nga ay “random acts of kindness,” o ang mga taong nakahandang tumulong at magmalasakit nang walang hinihinging kapalit.

Mapapanood ang Bida Kayo Kay Aga sa Net25 TV, Net25 Facebook page at Youtube channel tuwing Sabado, 7pm, simula sa March 26.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …