I-FLEX
ni Jun Nardo
SANAY na rin sa politics at showbiz ang QC mayoralty candidate na si Mike Defensor.
Kaya naman nang tanungin kung sino ang gusto niyang gumanap bilang siya kung sakaling gagawin ang bio-flick niya, agad pumasok sa utak niya si Aga Muhlach, huh!
Sa totoo lang, sa lawak ng experiences niya bilang public servant at pagtatrabaho sa gobyerno, sanay na siya sa issues, intriga at kontrobersiya. Alam niyang parte ito ng trabaho niya bilang public servant, kaya hindi siya natatakot sumagot sa lahat ng issues.
Impressive ang educational at political background ni Defensor, pero may puso pa rin siyang tumulong sa showbiz at isa na rito na gawing City of Stars ang Quezon City na nakamatayan na at matagal na pangarap ni German Moreno o Kuya Germs ng showbiz.