HATAWAN
ni Ed de Leon
SIGURO nga dahil sa hirap ng buhay ngayon at taas ng presyo ng lahat ng bilihin, at ang katotohanang mas marami ngayon ang gutom kaya kung ano-ano na ang naiisip ng iba sa atin, pati na ang panloloko sa kapwa.
Muntik nang mabudol si Rocco Nacino ng isang nag-message sa kanya at nagpapanggap na si Gabby Eigenmann, na nagtangkang umutang sa kanya ng P10,00. Mabuti nag-isip siya, hindi naman uutang si Gabby sa kanya ng ganoong halaga. Nag-check siya at nalaman niyang budol nga pala iyon.
Maraming ganyang raket ngayon lalo na sa social media. Magpapadala ng friend request, tapos oras na i-entertain mo sa chat, mangungutang na at ibibigay sa iyo ang number ng kanyang Gcash. Iyan ay isang uri ng big time mendicancy. Pamamalimos iyan eh, pero may internet, ibig sabihin may cellphone. Big time. Paano mong paniniwalaan na walang makain iyan eh may cellphone pa? Hindi ba tama na kung gutom ka na maaaring ibenta mo na ang cellphone mo bago ka mang-hustle ng iba?