Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista Chiz Escudero Sunshine Cruz Macky Mathay

Heart at Sunshine ‘di ginagamit ng mga politikong asawa at syota para mangampanya

HATAWAN
ni Ed de Leon

TINGNAN ninyo si Heart Evangelista, iyong asawa niyang si Chiz Escudero ay kumakandidato bilang senador pero hindi niya kailangang mangampanya. Ang inaasikaso ngayon ni Heart ay ang kanyang career bilang isang international fashion model, na mahirap mo namang pabayaan dahil nakapasok na siya sa world capital ng fashion, ang Paris.

Ganoon din naman si Sunshine Cruz, na ang syotang si Macky Mathay ay tumatakbong konsehal. Hindi mo maririnig na nangampanya si Sunshine, sa halip ang inaasikaso nga niya ay ang trabaho niya.

Hindi naman sa hindi sila naniniwala sa kanilang partners kundi dahil nga sa may tiwala sila sa kakayahan ng mga iyon at hindi na kailangan ang kanilang popularidad para ang mga iyon ay makakuha ng boto.

“Kahit naman noong tumakbong vice president si Chiz hindi nangampanya talaga si Heart maliban sa ilang okasyon lang na kailangan siya talagang kasama. Ang paniwala kasi ni Chiz ang dapat na ilatag mo ay ang merits ng serbisyo mo at hindi kung gaano kasikat ang jowa mo,” sabi ng isang source na close kay Heart.

Ganoon din naman ang sinabi ni Sunshine.

“Actually ako, I offered to help, pero si Macky mismo ang nagsabi na huwag na muna. Una dahil naniniwala naman siyang makukuha niya on his own ang tiwala ng mga taga-San Juan. Isa pa, sinasabi nga niyang may pandemya pa rin. Nagluwag sila dahil kaunti na lang ang nahahawa pero nariyan pa rin iyong virus kaya nga panay ang bilin niya sa akin na mag-ingat pa rin. Walang assurance na hindi ka na tatamaan ng Covid kahit na nagpabakuna ka na. Kahit pa tinamaan ka na ng covid at gumaling ka, iyong immunity mo hindi ka nakasisigurong ok ka na.

‘Noon kasing nagka-covid ako, pati si Macky hirap. Isolated ako sa loob ng room ko. Hindi talaga ako lumalabas. Para makausap ko mga tao sa bahay kailangan kong tawagan sa phone.  Iyong ibang kailangan, iyong medicines, kailangan siya ang bumili at magdala sa bahay ko. Wala naman akong maaasahang gumawa niyon. Sinasagasa rin niya ang risk na mahawa sa akin. Kaya nga  ngayon pinag-iingat pa rin

niya ako. Para sa kanya, mas mahalagang wala akong sakit kaysa mangampanya sa kanya,” kuwento ni Sunshine.

Iyan ang mga politikong hindi ginagamit ang kanilang sikat na syota sa kampanya, hindi gaya ng iba na nakataya ang popularidad at pera rin ng mga syota at jowa nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …

Money Bagman

P180-B ‘tinatayang nawawala’ sa ghost flood control projects

MAHIGIT P180 bilyon ang malamang na napunta sa mga ‘guniguni’ o ghost na flood control …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …