Tuesday , November 19 2024
Paolo Pineda Robert Galang Erickson Raymundo Jeff Vadillo Cornerstone Kumu TV5
PHOTO CAPTION: Kumu Commercial Chief Officer Paolo Pineda, TV5 President and CEO Robert Galang, Cornerstone Entertainment President Erickson Raymundo and Cornerstone Entertainment Vice President Jeff Vadillo.

TV5, Kumu, Cornerstone Entertainment, nagsanib puwersa para sa Top Class, The Rise to P-Pop Stardom

ni Maricris Valdez Nicasio

PATULOY na pinalalawal ng Kapatid Network ang kanilang platform para sa dekalibreng content sa pamamaraan ng mga content partnership.

Sa pamamagitan ng Cignal Entertainment (na nasa ilalim ng Cignal TV), nakipag-partner ang TV5 sa Kumu na kilala bilang isang content streaming platform at sa Cornerstone Entertainment na kilala naman bilang isang premiere multi-media company para sa pinaka-aabangan na Pinoy Pop Group talent search ng Telebisyong Pinoy sa ngayon, ang Top Class, The Rise to P-Pop Stardom.

Ang contract signing ay naganap sa TV5 Launch Pad na dinaluhan ng mga entertainment giants ngayon—Kumu Commercial Chief Officer Paolo Pineda, Cornerstone Entertainment President Erickson Raymundo and Vice President Jeff Vadillo and Cignal Entertainment/ TV5 President and CEO Robert Galang. Hosted by Markki Stroem

Ang Top Class ay isang orihinal na talent hunt survival series na susubaybayan ang mundo ng mga susunod na lalaking superstar at ang kanilang paglalakbay patungo sa kasikatan at tagumpay sa showbiz. Ibibida ng palabas ang mga batang aspirant na dadaan sa iba’t ibang pagsubok na talagang susubukan ang kanilang husay at galing para makamit ang pinaka-inaasam na premyo, ang maging susunod na Filipino Boy Idol Group. Sa 30 aspirant na sasabak sa kompetisyon, lima lang ang makalulusot at magkakaroon ng tsansa na pangunahan ang bagong henerasyon ng mga Pinoy talent.

Wala pang dalawang taon pagkatapos bumalik ng TV5 sa larangan ng entertainment production, patuloy ito na nagbibigay ng platform sa premium content dulot ng mga content partnership. Ang pagsasama ng kanya-kanyang galing at forte ng TV5, Kumu, at Cornerstone Entertainment sa larangan ng entertainment ay sisiguruhing magiging patok at kaabang-abang ang palabas na ‘to.

Sa patuloy na pagsikat ng Kumu, isang Pinoy live streaming app na ginawa para sa mga Millennial at Gen Z na Pinoy, binibigyan ng palabas ng pagkakataon ang mga nangangarap na content creator na makilala at maipakita sa mundo ang kanilang husay at galing. Kung isasama mo pa rito ang galing ng Cornernstone Entertainment (na kilala sa pagmama-manage ng iilan sa mga pinakasikat na artista ng bansa at sa paglikha ng mga award-winning na teleserye tulad ng Niña Niño at Sing Galing), makasisiguro ang madla na magiging top of the line ang palabas na ‘to.

Itong Top Class ay iisa lamang sa mga programa na iaalay ng TV5 sa Summer ng 2022.

Ibibida rin ng programa ang iba-ibang host at mentor na kilalang kilala na sa industriya. Sila ang makakasama ng mga aspirant sa kahabaan ng kompetisyon. Magkakaroon din ng iilang sorpresa na bisita ang programa.

Coming from a talent management perspective, we’ve handled a lot of some of the country’s biggest stars. And, through this show, we aim to get to create you know, the future of P-pop icons. That’s the goal. With proper training and  with the experience that we have in terms of like discovering talents and honing and training them, we feel that we have a good chance of really raising up the future of P-POP through this show, ani Cornerstone Entertainment’s Vice President Vadillo.

Abangan ang drama at paglalakbay ng ating mga aspirant na nangangarap maging bahagi ng susunod na P-Pop boy group sa nag-iisang Kapatid Network, TV5. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …