ni Ed de Leon
EWAN kung sisikat nga ang male newcomer sa ginagawa ng kanyang mga “sponsor” na nagbabayad para ang kanyang pictures ay maging viral sa social media. Talagang pagbukas mo ng social media, naroroon agad ang kanyang pictures dahil sponsored nga iyon. Maaaring mapansin siya pero hindi katiyakan na sisikat siya.
At ang tanong, ano naman ang kapalit na nakukuha ng mga sponsor?
Iyan ang hindi rin namin masagot dahil gagastos ba naman ang sponsors ng ganoon lang nang wala naman silang makukuhang kapalit? Isa pa, puro bading ang kanyang sponsors. Bakit kaya?