HATAWAN
ni Ed de Leon
Si BB Gandanghari na dati ay ang actor na si Rustom Padilla ay nag-post sa kanyang social media account na nagpapakita ng kanyang mayamang dibdib. Ipinasilip niya ang kanyang boobs sabay pagbabalitang siya ay sumailalim sa mammogram, iyan ay isang test para malaman na siya ay walang cancer sa boobs.
Noon namang nakaraang linggo nagpakuha ng topless photo si Jake Xyrus,na noong araw ay sumikat bilang singer na si Charice Pempengco. Ipinakita niya ang kanyang dibdib na wala na ngang boobs dahil ipinaalis na niya iyon sa isang operasyon. Libre na siya sa breast cancer, hindi lang natin alam kung ano naman ang komplikasyon na maaaring idulot ng pagpapa-alis niya ng dibdib.
Dalawang magkaibang pananaw iyan ng mga LGBT. Isang lalaking namumuhay na bilang babae, at isang babae naman na namumuhay bilang lalaki.
Pero isang bagay ang tiyak, hindi pa rin maaaring magbuntis at manganak si BB. Hindi pa rin naman maaaring makabuntis si Jake. Ganoon din.