MATABIL
ni John Fontanilla
MAY temang Tropical Party ang naging motiff ng engrande at bonggang 55th birthday ng celebrity businesswoman & Philanthropist na si Cecille Bravo na ginanap sa Cavana, Okada, Manila kamakailan.
Nagningning ang kaarawan ni Tita Cecille sa naglalakihan at maituturing na international performers na nagbigay-aliw sa mga espesyal nitong panauhin na sina Sephy Francisco, Ima Castro, Daryl Ong, Dea Formilleza, Jeff Diga, La Familia Band, Klinton Start,DJ Jimmy Nocon with Hype Man, Bravos Angels Dancers, Showboys, at Ms Dulce, hosted by John Nite.
Present ang buong pamilya ni Tita Cecille sa pangunguna ng kanyang very supportive at loving husband na si Tito Pete, kasama sina Mamita Hazel, Tria, mga anak na sina Jeru, Irish, Miguel, Matthew at nga kamag-anak.
Dumalo rin ang mga malalapit nitong kaibigan sa pangunguna ng kanyang bestfriend na si Raoul Barbosa, Wilbert Tolentino, Ninang Erlinda Sanchez, Ninong Benjamin Rosauro Montenegro with Xiantel, Barangay LSFM Dj/Dzbb anchor Janna Chu Chu, Jeffrey Dizon, It’s Showtime Bidaman Wize Estabillo, Theng Corbe, Christian Corbe, Catherine Montero Sicam, Ralston Segundo, Raymund Jumaoas and Jay Mong, Mark Lua, Angelo Luna, Atty. Liz Dela Rosa Besas at Zander Besas, Eds and Des Escobedo, Hon. Hero Bautista, Aian Lazaro andwife, Batch ‘84 classmates, Madam Louie Catamora, Gina Mateo, Jonald Dela Cruz, Bryan Sinahon atbp..
Samantalang naging highlights ng kaarawan ni Tita Cecille ang bonggang production numbers nito suot ang magagandang damit na ginawa ni Niño Dominic Angeles kasama ang kanyang pamilya, Bravos Angels at Showboys.