Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiai Delas Alas Raising Mamay

Ai Ai balik-‘Pinas para sa bagong project sa GMA

RATED R
ni Rommel Gonzales

OPISYAL nang nagsimula ang produksiyon ng bagong TV project ng Comedy Queen na si Aiai Delas Alasang Raising Mamay.

Nakapasok na sa lock-in taping ang batikang aktres at iba pa niyang co-stars noong nakaraang linggo para sa upcoming GMA drama.

Sa Instagram post ni Aiai, ibinahagi niya ang ilang larawan mula sa kanilang unang araw ng taping noong Biyernes (February 25) kasama si Shayne Save na gaganap bilang anak sa serye.

May suot na protective headgear at buckle leg strap sina Aiai at Shayne na tila sila ay nasa amusement park.

Makikita rin sa mga larawan ang Raising Mamay co-stars nilang sina Hannah Arguelles at Tart Carlos.

Sulat ni Aiai sa caption, “First taping day yesterday … salamat sa gma @gmanetwork and drama team na mabigyan ako ng pagkakataon na magbida-bida sa teleseryeng ito.. thank you GOD sa blessings na ito .. salamat sa trabaho, at sa mga co-actress at actors na kasama ko rito at salamat sa magandang palabas na ito na sigurado akong kakagiliwan ng mga Pilipino hindi lamang ang ating mga mahal na kapuso .. RAISING MAMAY soon…..TO GOD BE THE GLORY .. @shaynesava @hannaharguelles_ @tartcarlos #latepost #happytogether.”

Umuwi ng Pilipinas si Aiai mula Amerika para sa taping ng Raising Mamay. Nakatakdang bumalik ng US ang aktres pagkatapos ng produksiyon at ididirehe ni Don Michael Perez.

Bago lumipad ng Amerika noong huling parte ng 2021, napanood si Aiai bilang judge ng GMA musical competition na The Clash.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …