Sunday , December 22 2024
Toni Gonzaga

Toni muling nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPAHAYAG muli si Toni Gonzaga sa pakikiisa sa damdamin ng kanyang mga dating kasamahan sa ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Sinabi rin naman niyang hindi pa rin niya binabago ang sinabi niya noon na, “hindi naman habang panahon ay nariyan ang mga nagpasara sa ABS-CBN.” Pero mas neutral na ngayon ang kaisipan ni Toni na nagsabi ring sumusunod siya sa naging desisyon ng kongreso, dahil hindi naman

basta maipasasara ang ABS-CBN  kung hindi nagkaroon kahit na kaunting batayang legal ang mga gumawa niyon. Marami ring mga neutral observer ang may pananaw na ganyan, “kung hindi nila binigyan ng dahilan, hindi naman sila maipasasara.”

Hindi kasing sakit iyan ng nangyari noon sa BBC 2, na walang violations at may umiiral na franchise, pero dahil  lang sa bintang na sila ay crony network, kinuha ng gobyerno noon, at ipinasa sa ABS-CBN, hanggang tuluyan na ngang nawala. Matapos na mangyari iyon, inulan pa ng media bashers ang BBC 2, na hindi na nga umangal at hinayaan na lang na makuha ng gobyerno hindi lang ang karapatan kundi maging ang lahat ng assets ng network, kabilang pa ang mga sister station niyong RPN9 at IBC13. Iyan ang mga top stations noon na bumagsak lang naman nang pasukin ng gobyerno ang pagpapalakad, at hindi na nga nakabangon. Naapi rin ang mas marami pang manggagawa ng tatlong networks. Marami rin ang nawalan ng trabaho. Pero hindi sila nag-ingay, dahil kagaya nga ng sabi ni Toni, “hindi naman kayo habang panahon sa posisyon,” na nangyari nga sa kanila ngayon.

Pero ganoon talaga ang tao, basta pabor sa kanila “tama”kahit na walang katuwiran. Kung laban naman sa kanila “mali” kahit na ano pa ang dahilan.

Maliwanag din naman kasi ang nangyari, natapos ang franchise ng ABS-CBN, nag-expire at hindi na sila binigyan ng bago.

Hindi gaya ng ginawa noon sa BBC na may legal at valid franchise pero pinawalang saysay dahil lamang sa suspetsa. Noon kasi ang suspetsa lang, kahit na “hear say” ay ebidensiya na. Kung iisipin mo, iyon ang talagang dagok sa freedom of the press. Iyang pagkakaroon ng franchise, hindi kasi iyan karapatan, iyan ay privilege. Maaaring ibigay o hindi, batay sa opinion ng mga magbibigay noon.

Para rin iyang social media, hindi kaparatan iyan kung si privilege. Kaya kung maisipan kang i-block ng social media platform, hindi ka na makakaangal ano man ang desisyon nila. Ni hindi ka sasabihan kung ano ang violation mo o bibigyan ng pagkakataong mangatuwiran, kasi nga privilege lang.

Sa pagkakataong ito, naniniwala kaming tama ang kaisipan ni Toni.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …