Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chel Diokno Pokwang

Pokwang at Diokno may ‘ugnayan’

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGKAROON ng ugnayan ang komedyanteng si Pokwang at senatoriable na si Atty. Chel Diokno.

Unang nag-tweet si Pokie kamakailan na suportado niya si Diokno. Tumugon ang senatoriable sa tweet ng komedyana na, “Naku po, chel ka na lang @pokwang27. Maraming maraming salamat sa suporta.”

Eh kapwa pala fan ng isa’t isa sina Pokwang at Diokno ayon sa tweets nila. 

Ang anak na si direk Pepe Diokno ang madalas magsabi sa ama ng magagandang bagay kay Pokie.

Wahhhh! I love him. Napakabuting tao. Magand ang pagpapalki nyo sa kanya @PepeDiokno,” tugon ni Pokwang.

Kamakailan, nakakuha ng suporta ang human rights lawyer sa ilang mga artista gaya nina Vice Ganda at Heart Evangelista. Nakasalamuha rin niya sa kampanya sa Naga City sina Nikki Valdez, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Bituin Escalante, ang grupong The Company, at Rivermaya.

Sakaling palarin sa senado,paiigtingin ni Diokno ang pagpapalakas ng Barangay Justice System sa pamamagitan ng Lupon Tagapamayapa.

Itutuloy pa rin niya ang Free Legal Helpdesk na inilalagay ng abogado sa kanyang Facebook page.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …