I-FLEX
ni Jun Nardo
“MY condo unit at The Grove in Rockwell is still available for sale/lease!” caption ni Carla Abellana sa video ng kabuuan ng condo na ibinebenta.
Gamit ni Carla ang salitang “My” kaya naman, ibig sabihin eh sarili niya ang condo. Kaya ‘yung mga Maritess dyan, huwag nang umepal na property nila ito ni Tom Rodriguez, huh!
Fully furnished ang condo na kasama ang lahat sa gustong bumili.
Ayon pa kay Carla, nakaltasan pa ng P2M ang asking price at ang total cost price ay mababa sa market value.
Nakalagay sa post ni Carla kung sino ang kokontakin sa gustong bumili ng “my condo” niya.