Sunday , December 22 2024
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Komiteng kabron, sinopla at kinapon

PROMDI
ni Fernan Angeles

HINDI na bago sa mapanuring mata ng mga Filipino ang paandar ng mga politiko sa senado kung saan mistulang entablado ng mga epal ang plenaryo. Ito ang kuwento ng isang bungangerong senador na sinopla ng husgado.

Sa isang desisyon ng Pasay City Regional Trial Court, kinastigo ng husgado ang Senate Blue Ribbon Committee (sa pamumuno ni Sen. Richard Gordon), ang nakaambang pagdakip sa isang negosyanteng testigo dahil absent sa pagdinig noong Disyembre at Enero.

Ang totoo, mandato ng mga senador na maglunsad ng imbestigasyon sa maiinit na usapin sa lipunan, lalo pa’t kapakanan ng sambayanan ang nakabuyangyang. Pero tila nawaglit sa hanay ng mga mambabatas na hindi wastong gamitin ang imbestigasyon para palutangin ang sariling reputasyon.

Sa anim na pahinang kalatas ni Judge Elenita Dimaguila ng Pasay City RTC 122, kinatigan ng husgado ang petisyong inihain ng negosyanteng si Rose Nono Lin sa umano’y hindi makatuwirang warrant of arrest na ipinalabas ng komite ni Gordon sa kabila ng mga katibayang nagbibigay katwiran sa pagliban ng negosyante sa pagdinig ng senado kaugnay sa sumambulat na anomalyang kinasasangkutan ng mga prominenteng taong-gobyerno at ng Pharmally Pharmaceutical Corp.

Sa tala ng senado, pitong ulit na dumalo sa mga patawag ng blue ribbon committee si Lin, at ang tanging naging pagliban noong 21 Disyembre 2021 at 27 Enero ng kasalukuyang taon.

Hindi ko pinapanigan si Lin o kung sino mang bulilyaso sa gobyerno. Ngunit dapat din marahil maging bukas ang blue ribbon committee sa mga sirkumstansiyang kalakip ng isang patas na pagdinig lalo pa’t ang tanging pakay ng mga congressional inquiry ay kumalap ng datos para sa pagbalangkas ng batas sa hinaharap na panahon.

Matibay ang alibi ni Lin sa kanyang pagliban. Nakapagsumite ng medical certificate na siya’y kontaminado ng CoVid-19 noong 21 Disyembre 2021 at nasa malayong lalawigang bagsak ang linya ng koryente at komunikasyon noong Enero dahil sa malawak na pinsalang iniwan ng bagyo.

Maging sa isang ordinaryong pagdinig sa husgado, binibigyan ng pagkakataon ang sino mang lumiban sa patawag ng korte para ipaliwanag ang sirkumstansiya sa hindi pagdalo. Sa kaso ni Lin, pitong patawag ang kanyang sinipot at nilahukan – sukdulang gawin siyang patamaan ng epal na senador na wari mo’y isang huwaran.

Nakalulungkot isiping habang ginigipit ng blue ribbon committee ang nag-iisang testigong puwedeng magbigay linaw sa pinakamalaking eskandalo sa pondo, umugong ang planong pagpapalaya sa mismong mga dorobo.

Ang totoo, ang pagiging epal ng ilang mambabatas ang dahilan kung bakit madalas tayong nalulusutan ng mga iniimbestigahang sangkot sa katiwalian. Kasi naman inuna pa ang publisidad kaysa integridad.

About Fernan Angeles

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …