Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Bela Padilla

Bela ikinompara kay Coco — malayo pa ang tatahakin ko para maka-level ko siya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA wakas, naisakatuparan na ni Bela Padilla ang matagal nang pangarap, ang makapagdirehe. Ito ay sa pamamagitan ng 366 na ipinrodyus ng Viva Films

 at mapapanood sa Vivamax sa April na pinagbibidahan din nina Zanjoe Marudo at JC Santos.

Bela Padilla 366 Zanjoe Marudo JC Santos

Si Bela ang nagsulat at nagdirehe ng 366 kaya naikompara siya kay Coco Martin na actor/scriptwriter at director sa FPJ’s Ang Probinsyano.

That is very sweet maraming salamat. Coco is a very, very talented person bukod sa pagiging actor/director kahit noong umpisa pa lang ng ‘Ang Probinsyano’ noong nandoon pa ako na siya rin ang nagko-conceptualize ng maraming plot nito. So, he’s really a creative force, I guess in his generaton, in his world, so, I’m very happy for him and very proud of him,” nangingiting sambit ni Bela sa isinagawang digital media conference na nasa London pa rin sa kasalukuyan.

“I think malayo pa ‘yung kailangan kong tahakin para masabing ka-level ko si Coco kasi Coco ‘yun, eh,” anito nang maikompara siya sa aktor.

Pag umabot na po ako sa suweldo ni Coco, masasabi ko na talaga na ka-level ko na siya.

“But seriously, I’m happy to be compared to Coco because I have great respect to him as ‘yun nga sa creative force but we do different projects. Hindi ko kayang magdirehe ng action, I cannot come up with action scenes.

“And I guess in the same way na baka there are things na I can do na hindi naman kayang gawin ni Coco, so we’re very different.”

Kasama rin sa 366 sina Alma Moreno, Josef Elizalde, at Kat Galang at may cameo role ang boyfriend niyang si Norman Bay bilang stand in ni JC na hindi nakarating sa Istanbul, Turkey dahil hindi naayos kaagad ang travel document.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …