Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zanjoe Marudo ABS-CBN Star Magic

Zanjoe nahanap ang forever sa ABS-CBN

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

AMINADO si Zanjoe Marudo na nahanap niya ang totoong pagmamahal at pag-aalaga sa ABS-CBN.

Sa ABS, sa Kapamilya, mas doon ako sigurado na mayroon akong forever,” sabi ni Zanjoe sa Kapamilya Strong 2022 event.

Pumirma ng panibagong exclusive contract si Zanjoe sa naturang event at nagpasalamat siya sa patuloy na pagtitiwala ng Kapamilya Network.

“Ramdam na ramdam ko sa loob ng 15 years kung gaano nila ko pinahalagahan din. ‘Yung chances at opportunities na ibinigay nila nang paulit-ulit. Hindi nila ako tinigilan na pagkatiwalaan,” ani Zanjoe, na nagsimula ang career bilang housemate sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.

Kaya naman labis ang pasasalamat ng aktor sa ABS-CBN at sa Star Magic sa ilang taong pag-aalaga sa kanya. At ngayong kailangan siya ng kanyang home network ay hindi niya ito iniwan kahit na nawalan ng franchise.

Matagal na panahon na rin ‘yung naging relasyon namin sa ABS-CBN, sa Star Magic. Hindi naman na ‘yun mababayaran ng kahit ano. Noong nag-uumpisa kami, lahat ng kailangan, ng tulong na hiningi namin, ibinigay nila hanggang sa makarating kami kung nasaan kami ngayon. Noong dumating naman ‘yung panahon na kami naman ‘yung kailangan, nandoon kami. Sama-sama, isang pamilya, lahat nagtutulungan. Hindi pwedeng sa sarap lang lagi o sa ginhawa.” 

Kasalukuyang napapanood si Zanjoe sa Kapamilya primetime teleseryeng The Broken Marriage Vow kasama sina Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …