Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vaness del Moral

Vaness balik-akting sa Widow’s Web

RATED R
ni Rommel Gonzales

MASAYANG ikinuwento ni Vaness del Moral ang pagbabago sa kanyang buhay mula nang magkaroon ng baby.

Oh my God! Nag-‘360 [degrees]’ yung buhay namin sa bahay,” sabi ni Vaness sa isang panayam.

Tama nga ‘yung sabi nila, having a baby requires a lot of time and attentions. So lahat ng time and attention napunta kay [baby] Ellie,” patuloy niya.

Pero sa kabila ng lahat, ayon kay Vaness, “Pero masaya at masarap sa pakiramdam.”

Mayo 26 nitong nakaraang taon nang isilang ni Vaness ang first baby nila ng kanyang kabiyak na si Matt Kier.

Samantala, nakilala bilang mahusay na kontrabida sa mga proyekto si Vaness kaya tinanong ito kung sino talaga siya sa tunay na buhay o sa likod ng camera.

Maldidata ako. Joke lang!,” natatawang sabi ni Vaness.

Sinabi rin ni Vaness na isa siyang home buddy person kaya walang problema sa kanya ang mag-quarantine.

Kaya kong mag-stay sa loob ng bahay nang kahit gaano katagal. So ‘yung mga hotel quarantine, sisiw lang sa akin yung mga ganyan,” saad niya.

Kabilang si Vaness sa apat na babaeng bibida sa upcoming Kapuso suspense-thriller series na Widow’s Web.

Ayon kay Vaness, magugulo ang buhay ng apat na babae dahil sa misteryosong pagkamatay ng isang lalaki.

Ang tatlo pang babae na tinutukoy ni Vaness ay sina Carmina Villaroel, Ashley Ortega ,at Pauline Mendoza.

Kabilang din sa Widows’ Web sina Adrian Alandy, EA Guzman, Christian Vasquez, Allan Paule, Tanya Gomez, Arthur Solinap, atsi Ryan Eigenmann, na special guest bilang si Alexander Sagrado III, ang lalaking misteryosong papaslangin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …