Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rita Daniela

Rita Queen of Piyok

ADBOKASIYA ni Rita Daniela ang Body Positivity.

Kasi ang body positivity hindi lang naman ‘yan for the bigger side siyempre roon din tayo sa smaller side. Iba rin siyempre ‘yung nagkakalaman pero kahit anong kain ang gawin nila hindi sila lumalalaki.

“Kasi para sa akin tanggap natin lalo na sa Pilipinas, parang kahit gaano ka kagaling, hindi ka agad napapansin dahil sa timbang mo.

“Kasi iisipin nila, ‘Eh ang taba mo.’ Eh ang liit mo, kulang ka sa…’

“Pero iyon po kaya rin po pini-present ko itong sarili ko, kapag  lalo akong mas imperfect lalo ko iyong ipe-present kasi living testimony ako ni Lord na hindi dapat maging hadlang ‘yung timbang.

“Kung gusto mong ipakita sa mundo kung gaano ka kagaling, ipakita  mo iyon. 

“Hindi dapat maging hadlang ‘yung timbang mo.

“Kasi yung galing mo, hindi iyon makukuha ng iba pero kung magpapayat ka, madali. Kung gusto mong magkalaman, madali, pero ‘yung talentong mayroon ka, hindi ‘yun makukuha ng iba,” pahayag ni Rita.

Tampok si Rita bilang viral music teacher na sintunado sa upcoming fresh at brand-new episode ng real-life drama anthology na MPK’ o ‘Magpakailanman.
Kuwento ito ni Danieca Areglado Goc-Ong o mas kilala bilang Teacher Dan ng DanVibes.

Bata pa lang si Danieca, mahilig na siyang kumanta pero sadyang hindi nabiyayaan ng magandang boses. Kaya imbes na mangarap na maging sikat na singer, sinikap niyang maging music teacher.

Natupad naman ang kanyang pangarap na maging grade school Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) teacher, pero nawalan din ng trabaho noong tumama ang COVID-19 pandemic.

Dito na siya nagsimulang mag-post ng mga sintunado pero bakaaaliw niyang music lessons.

Pero bago maging isang ganap na guro at makamit ang kanyang viral fame, marami ring pinagdaanang hirap si Danieca.

Alamin ang kanyang kuwento sa fresh at brand-new episode na Queen of Piyok: The Danieca Areglado Goc-Ong Story, ngayong Sabado, February 26, 8:00 p.m. sa ‘#MPK.’

Bahagi rin ng episode sina Tina Paner at Leandro Baldemor bilang mga magulang ni Danieca.

Kasama rin sa cast sina Luis Hontiveros, Yvette Sanchez, at Vincent Magbanua.

Ito ay sa direksyon ni Frasco Moritz, sa pananaliksik ni Angel Launo at panulat ni Benson Logronio.(Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …