ni Ed de Leon
ISANG male sexy star na naging kontrobersiyal noong araw dahil sa kanyang lakas ng loob na maghubad, sukdulang mabuyangyang pa ang kanyang private parts ang naghirap na rin pala sa buhay.
Noong humina na ang mga pelikulang bold na ginagawa niya noon, nagtungo siya sa Japan para magtrabaho bilang hosto. Roon naman niya nakilala ang isang Japanese gay na nagbigay ng support sa kanya. Binigyan pa siya ng puhunan para sa isang negosyo rito sa Pilipinas. Kaso nalaman ng Japanese na hindi lamang siya nag-asawa ng isang babae, pumatol pa siya sa ibang gays.
Tinigilan siya ng sustento, kaya nang bumagsak din ang negosyon itinayo, wala na siya.