Tuesday , May 13 2025
LoiNie Loisa Andalio Ronnie Alonte ABS-CBN Star Magic

LoiNie, solid Kapamilya pa rin

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

KABILANG ang magka-love team at magkarelasyon in real life na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa mga Kapamilya stars na pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN sa ginanap na Kapamilya Strong 2022 event.

Tumatanaw ng utang na loob ang LoiNie, tawag sa love team nila, dahil sa patuloy na pagtitiwala at pagmamahal sa kanila ng ABS-CBN. Malaki ang naibigay at nagawa sa kanila ng pagiging Kapamilya stars. 

Dito ako nagsimula. Ito ‘yung bumuhay sa akin noong dating walang-wala pa ako. Hanggang ngayon, nandito pa rin ako. Sobrang happy ako kasi kagaya nito, binigyan tayo ng panibagong kontrata ulit. Excited na ko sa mga susunod pang mangyayari,” sabi ni Ronnie.

Ayon naman kay Loisa, “Napakaraming naitulong sa akin ng pagiging Kapamilya bilang bread winner ng family. Hindi lang sa financial. Masaya ako na makapagbigay ng saya, aral, tulong, at inspirasyon sa iba.”

Nakatakdang bumida ang LoiNie sa upcoming Kapamilya teleseryeng Love in 40 Days.

About Glen Sibonga

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Benjie Paras

Benjie inamin kay Koring kung saan kumapit para makaahon sa kahirapan

TODO hataw ang chikahan marathon ng beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa brand new episode …

Puregold Nasa Atin Ang Panalo OPM Con 2025 SB19, BINI G22 KAIA Skusta Clee Flow G Sunkissed Lola

Puregold Nasa Atin ang Panalo magtatampok ng mga bagong musikero at mga pasabog

ITATAMPOK muli ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangakong kumonekta sa kabataang Filipino, sa mga nagmamahal …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …