Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Awra Briguela Julia Barretto Ella Cruz Andrea Barbierra

Julia hanga sa direktor ng kanilang serye

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY follow-up agad na trabaho si Julia Barretto sa Viva, ito ay ang The Seniors na tinatampukan nilang tatlo nina Ella Cruz at Awra Briguela.

Palabas na simula ngayong araw ang horror movie niyang Bahay na Pula na pinagbibidahan din nina Xian Lim at Marco Gumabao at idinirehe ni Brillante Mendoza. Sa March 20 naman matutunghayan ang The Seniors na mula sa produksiyon nina Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone at idinirehe ni Shaira Advincula-Antonio. 

“This is my second series for Viva after ‘Di Na Muli.’ It’s about Gen Z students in the province, Pacaque Rural High School. 

“I play Diana, a city girl from Manila na lumipat sa province at ‘yun, she’s a game changer kaya na-threaten sa akin ‘yung mean girls doon sa school and hina-harass nila ako. 

“But off cam, nag-bonding kami agad. Na-attach ako kay Awra and Ella is so thoughtful, si Andrea (Barbierra) naman, I have a soft spot for newcomers and she’s really great. Sana may season 2 kami,” ani Julia digital media conference ng naturang series.

Dahil ukol sa mga nangyayaring pambu-bully ang serye, natanong si Julia kung  na-bully siya noong estudyante pa lamang siya.

“No. My mom requested me to finish high school and I did, pero sa home study program ako, eh. But here, we portray bullying situations na nangyayari talaga in schools,” ani Julia.

Ang The Seniors ay idinirehe ng batambatang direktor na si Shaira, 25, na nagtapos ng film major sa UP. Kinilala ang galing niya sa short film na Tembong na nakaikot na sa iba’t ibang  international short film festivals.

Ani Julia gusto niyang makatrabaho muli si Shaira dahil nag-jive agad sila. “Pareho lang kaming Gen Z, so we can easily relate with each other. She’s great, a bad ass, I wanna work with her again.” 

Pinuri pa ni Julia ang kaalaman ni Shaira sa ginagawa nito. “She knows the material about high school life and young viewers can easily relate with what the characters go through in the series.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …