Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Krieg Panganiban Alexa Miro

Daniel at Alexa Miro gustong makatrabaho ni Krieg Panganiban 

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging A1 Model, gusto ring pasukin ng  21 years old, 5’10”, moreno, at guwapitong si Krieg Panganiban ang showbiz.

Bata pa si Krieg ay pangarap nang mag-artista kaya naman pinasok muna niya ang pagmomodelo.

Ani Krieg, “Bata pa lang ako dream ko nang mag-artista, kaya nang makapasok ako bilang modelo ay nasabi ko sa sarili ko na malaki ang chance na makapasok din ako sa pag-aartista at ‘yun nga ang ini-aim ko ngayon na makapasok din sa showbiz.”

Dagdag pa nito, “Gusto  ko po maging artista kasi dream ko po na makagawa at makasama sa  isang historical movie tulad niyong movie na ‘Heneral Luna’ at  makatulong na rin sa pamilya ko.”

Gusto niyang makasama sa proyekto sina Daniel Padilla at Alexa Miro, “Gusto ko pong makasama sa teleserye o pelikula si Daniel kasi mahusay siyang aktor at napakalas ng dating niya.

“Sa babae naman po ang gusto si Alexa Miro dahil ang lakas po ng appeal niya, hopefully sana po makasama ko sila pareho sa isang proyekto.”

Sa ngayonay busy si Krieg sa kanyang modelling projects at nakatakda  itong mag- undergo ng acting, dancing, at singing workshops bilang paghahanda sa pagpasok sa showbiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …