RATED R
ni Rommel Gonzales
SA huling linggo ng Mano Po Legacy: The Family Fortune,‘ ibinahagi ni Barbie Forteza kung ano ang mami-miss niya sa serye.
“Naku, mami-miss ko lahat. Sa totoo lang, mami-miss ko lahat ng mga nakatrabaho ko rito sa show na ito–from the cast to the production staff. Basically, the whole team of ‘Mano Po Legacy: The Family Fortune,’ grabe, it was such a joy working with them. Yes, definitely, I’m gonna miss everyone,” pahayag ni Barbie.
Samantala, lalong umiinit ang kuwento ng Mano Po Legacy: The Family Fortune sa huling limang araw nito.
Pinangangambahan ni Steffy, karakter ni Barbie, na patay na ang kaibigang si Myla (Kate Yalung) dahil nawawala ito matapos may maungkat na impormasyon tungkol sa kompanya.