Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos
Vilma Santos

Ate Vi natural ang ganda — ‘Di ko ipinagagalaw ang mukha ko

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINSABI nga nila, makikita mo ang talagang kagandahan ng isang babae kung makita mo siya sa umaga, kung bagong gising pa lang.

Pero bihira nga sa mga babae ang lumalabas nang ganyan. Karaniwan ay nag-aayos muna sila bago humarap kahit na kanino, maging sa kanilang pamilya.

Pero si Ate Vi, malakas ang loob at nai-post pa ang kanyang video na halata mong bagong gising dahil sa kanyang mga mata.

Naka-pajama pa si  Ate Vi sa nasabing video. Mukha namang nakapag-ayos nang kaunti pero bagong gising at ang reaksiyon ng publiko, “eh maganda siya talaga.”

Kung iisipin mo na may edad na rin naman siya at inaamin naman niya, ang sinasabi ng mga tao, “hindi siya nagmukhang lola, dahil hindi pa naman siya lola talaga.”

“Hindi pa ako lola sa mga anak ko, pero marami akong mga pamangkin na may mga anak na rin kaya lola na rin naman ako. Pero depende iyan sa tao eh, ano ba ang masasabing mukhang lola? Iyon bang puti na ang buhok, uugod-ugod na at marami nang wrinkles ang mukha?”

Iyang wrinkles, may mga tao talagang mabilis magkaroon nang ganyan sa mukha. Pero sabi nga nila ang pinagmumulan niyan ay stress. Bukod doon, siguro napabayaan iyan noong panahong bata pa sila, lalo na nga iyong hindi mahilig mag-ayos. Sa kaso ko naman, artista kasi ako babad sa make-up ang mukha ko bata pa lang ako, at ang mga make-up naman natin noong araw ay hindi kagaya ngayon na mayroong mild na formula lang. Kaya naman sa kaso ko nakagisnan ko na at nakasanayan na pagdating ng gabi o kung puwede nang alisin ang make-up, talagang inaalis ko agad at sinisiguro kong malinis na talaga bago ako matulog.

“Mayroon din naman akong make-up rest day. Kung hindi ako lalabas, hindi ako talaga nagme-make up para mapahinga naman ang kutis sa mukha. That way nare-relax ang kutis mo eh. Siguro iyong iba hindi conscious sa ganyang mga bagay, pero para kasi sa isang babae, aba kailangang pangalagaan mo ang iyong sarili kung ayaw mong magmukhang losyang talaga,” sabi ni Ate Vi.

Hindi rin nabalita si Ate Vi na nag-eendoso ng mga dermatologist o anumang gamot. Bakit?

“Kumukonsulta rin naman ako. May mga kaibigan akong mga Dermatologist. Hindi ko lang ipinagagalaw ang mukha ko o anumang parte ng katawan. Hindi ako nagpapa-retoke. I have nothing against those who undergo cosmetic surgery, pero sa kaso ko wala akong nakikitang need.

“Aba magugulat ka sa ngayon, makikita mo sa internet hindi lang mga babae, pati lalaki talaga medyo vane na ngayon. Sila iyong nagpapasaksak ng vitamins. Sila iyong umiinom ng gluta para pumuti at maging makinis ang kutis. Self improvement at hindi masama kung kaya ba nila eh, kasi magastos din iyan,” sabi pa ni Ate Vi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …