Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Samantha Lopez, Isabel Rivas, Gabby Concepcion, Sanya Lopez, Francine Prieto

Samantha sa pagpapahirap kay Sanya — parang nang-aapi ka ng baby, ng virgin

RATED R
ni Rommel Gonzales

BAGONG dagdag sa cast members ng First Lady sina Samantha Lopez, Isabel Rivas, Francine Prieto, at Shyr Valdez.

“Bago” dahil hindi sila kasali sa First Yaya na umere last year at programang “pinagmulan” ng First Lady na serye na umeere ngayon sa GMA.

Gaganap bilang kontrabida ang apat; former first ladies sina Samantha (bilang Ambrocia Bolivar), Isabel (bilang Allegra Trinidad), Francine (bilang Soledad Cortez), at si Shyr naman bilang beteranang household staff na si Sioning.

Silang apat ang baguhang karakter na magmamaldita sa First Lady na si Melody Reyes-Acosta (Sanya Lopez) na asawa naman ng Presidente ng Pilipinas na si Glenn Acosta (Gabby Concepcion).

Tinanong namin sina Samantha, Isabel, at Francine kung ano ang challenge sa mga karakter nila sa serye ng GMA?

Ang number one challenge ko na api-apihin si Sanya ay talagang mahirap kasi napakabait, napaka-sweet, walang kaere-ere, walang kadiva-diva, whatever sa katawan.

“So para apihin mo siya, pahrang nang-aapi ka ng isang baby, ng virgin, so ‘yun ang for me ang isa sa challenge.

“But rapport-wise, kasi kaming tatlo [nina Isabel at Francine] ang ganda ng timing namin, for some reason nagsu-swak ‘yung mga tono, siguro dahil of course, sa direksyon na rin ng ating batikan at magaling na direktor.    

“So, so far iyon ang challenge ko na apihin ‘yung ating First Yaya now First Lady,” ang pahayag ni Samantha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …