PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
IBINAHAGI ni Matteo Guidicelli sa publiko sa pamamagitan ng pag-post sa Instagram ang pagbati niya sa kanyang misis na si Sarah Geronimo para sa kanilang second anniversary.
Kasama ng series of photos nilang mag-asawa ang caption ng IG post ni Matteo na, “Through thick and thin and all the ups and downs, we will be partners for life. I love you my beautiful wife! You’re the best. (3 hearts emoji) happy 2nd year anniversary!”
Pinusuan ang post ni Matteo at bumati sa mag-asawa ang mga celebrity na sina Angel Locsin, Iza Calzado, Miles Ocampo, Karen Davila, Tim Yap, at Martin Nievera. Siyempre bumati rin ang fans nina Sarah at Matteo.