Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klinton Start

Klinton Start, inuulan ng blessings

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG level na talaga ngayon ang talented na bagets na si Klinton Start.

Bukod sa may magandang role si Klinton sa TV series na The Broken Marriage Vow ng Kapamilya Network, petmalu ang iba pang blessings sa kanya, kabilang na ang pagkakaroon ng billboard sa Tate. Yes, sa Tate as in USA! Plus, nabalitaan namin na may ilang bagong endorsements na naman ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor.

AngThe Broken Marriage Vow ang itinuturing na biggest break ni Klinton sa kanyang young showbiz career. Nauna rito, nagkaroon siya ng maliit na part sa Sandugo na pinagbidahan nina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

Noong unang sumalang siya sa lock-in taping ng seryeng pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Jane Oineza, Joem Bascon, Bianca Manalo, Angeli Bayani, at marami pang iba, ano ang kanyang naramdaman?

Esplika ni Klinton, “Halo-halo po ang naramdaman ko, eh. Pero siyempre ang pinaka-ano roon, kinabahan po ako dahil ang tagal kong nahinto po, dahil sa pandemic. Kumbaga, parang walang practice sa pag-acting, ganyan…

“Pero sa suporta po ng aming mga direktor na sina direk Andoy Ranay at direk Connie Macatuno, kinaya naman po. Kaya sobrang thankful po ako sa kanilang dalawa.”

Aniya pa, “Yes po, ito ang masasabi kong biggest break ko, hindi po talaga expected ito na darating this year. Kumbaga, iyong dati ko kasing mga project ay mabiblis lang po. Pero ito ay matagal talaga iyong mga scenes ko rito. Plus, ABS CBN po ito, eh,” nakangiting saad pa ni Klinton.

Ano ang reaction niya na may billboard sila sa New York?

Masayang sagot ni Klinton, “Yes po, panibagong blessing po ito na talagang nakaka-overwhelm, ang magkaroon kami ng billboard sa New York.

“Iyon pong billboard, parang ini-inspire namin ang mga nangangarap na maging model, nangangarap na maging artista… iyon po ang parang ipino-promote namin at message ng aming billboard.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …